Penis Health Care
Kung sa tingin ninyo ay ginagawa na ninyo ang lahat para pangalagaan ang penis health, huwag magkumpiyansa.
Isang pagkakamali lang sa pakikipag-sex ay tapos ka.’
Maaaring wala naman kayong nakikitang mali sa inyong penis pero posibleng hindi ninyo alam ay may impeksiyon na pala ang inyong ‘alaga.’
Kung ang partner mo ay may impeksiyon, may posibilidad na ikaw ang nagbigay nito sa kanya at kung hindi man ay maaaring mahawa ka.
Mag-ingat sa mga Sexually Transmitted Infections lalo na sa Chlamydia na asymptomatic—ibig sabihin ay wala itong sintomas.
Narito ang mga dapat bantayan na senyales ng STI.
• Likidong lumalabas sa penis na puwedeng maging parang sipon, manilaw-nilaw o parang tubig.
• May amoy na semilya o nagbago ang kulay ng semen
• dugo sa semilya o ihi
• may masakit kapag nakikipag-sex
• may masakit kapag umiihi o nag-e-ejaculate
• masakit ang pelvic area
• bukol sa genital area
• Mapulang bukol o umbok sa genital area o lalamunan.
• Blisters na nagiging galis sa genital area.
• Parang warts sa genital area
Maraming STI particular ang viral infections tulad ng HIV o herpes, ay may sintomas tulad ng flu na senyales ng infection. Kung may sore throat, namagang glands, lagnat o pananakit ng katawan matapos ang unprotected sex, ikonsidera ang pagpapa-STI check para makasiguro.
Huwag naman maging OA kung mag-react kapag may nakitang kakaiba sa penis.
Baka naman simpleng pimple o irritation lang dahil sa pagse-shave eh panic ka na.
- Latest