7 Pagkaing Iiwasan Bago Mag-’Loving, Loving’

1-Hotdog: Mataas sa saturated fat na bumabara sa penile at vaginal arte­ries.

2-French Fries: Nagpapababa ng testosterone, male hormone na importante sa sexual at reproductive development.

3-Tofu: Nagpapataas ng estrogen level. Ang sobrang estrogen ay nagpapababa ng sex-drive.

4-Alak: Kung kaunti lang, nakapagpapaseksi ng feeling. Ngunit kung sobra, mas gugustuhin mo lang matulog kaysa makipag-loving, loving.

5-Oatmeal: Hindi lahat ng healthy food ay nakatutulong sa iyong sex life. May taglay itong serotonin na makatutulong sa iyong sex-drive pero kung dadamihan ang pagkain ng oatmeal, magi­ging dahilan ng madalas na pag-utot dahil mayaman sa fibers. Turn-off sa sex partner.

6-Prutas. Masamang kumain kaagad ng prutas right after your meal. Ang resulta ay pagsakit ng tiyan. Palilipasin muna ang 2 oras pagkatapos ng meal, saka kainin ang prutas upang walang ma­ging problema.

7-Energy drink. Ang caffeine at sugar na taglay nito at nagpapataas ng ­energy ngunit sandali lang. Hindi pa tapos ang “laban”, bumababa na agad ang iyong energy.

     

Show comments