Tanggalin ang Pangingitim ng Lips
Maraming dahilan kung bakit nangingitim ang labi: paninigarilyo, sun burn, matagal na paggamit ng lipstick at pollution. May 3 paraan ng pagtanggal ng pangingitim:
1-Lemon: Bago matulog, magpahid sa lips ng lemon juice na hinaluan ng honey at olive oil. Kailangang may oil dahil ang ating lips ay walang oil-producing glands. Makakatulong ito para hindi matuyo ang labi dulot ng acid sa lemon. Hayaang nakababad magdamag. Gawin ito gabi-gabi sa loob ng isa o dalawang buwan. Banlawan ang lips.
Ingredients:
– 1 teaspoon of honey
– 1 teaspoon olive oil
– one-half teaspoon lemon juice
2-Patatas: Mayroon itong “catecholase,” isang uri ng enzyme na may kakayahang magpa-“lighten” ng balat. Balatan ang patatas. Bumawas ng isang slice at ipahid sa lips nang paulit-ulit sa loob ng 5 minuto. Gawin ito bago matulog. Hayaang nakababad sa lips magdamag. Gawin nang regular.
3-Pipino: Maghiwa ng pipino. Ipahid sa lips sa loob ng 5 minuto. Gawin araw-araw.
* Kung lalabas ng bahay, magpahid sa lips ng lip balm na may SPF 15 or mas mataas pa upang magkaroon ng proteksiyon sa sun rays.
- Latest