Sa pagpasok sa negos-yo, ang unang hinahanap ay ang lugar na pagtatayuan ng business. Pero sa rami nang mga nagsulputang store at stall, unahan agad sa puwesto. Karamihan ang magandang puwesto ay sa kanto at kung saan maraming tao. Kung talagang wala pang makitang pagsisimulan ng balak ng business, simulan ito sa sariling tahanan. Marami nang misis ngayon na mahuhusay at talentado sa linyang baking. Mismo sa loob ng kusina ay ginagawa ang kanilang mga order. Kahit sa loob ng bahay ginagawa ang cakes at pasteries hindi naman ito kawalan, mas advantage nga dahil sa mismong sariling bakuran, mas control ang production. Ang mas maganda pa, karamihan sa mga negosyanteng nanay, sa tulong ng social media hindi nalilimitahan ang pagbebenta. Sa kanilang malikhaing page naka-post lahat ng mga masasarap at katakam-takam na pastries. Bongga menos gastos sa upa at may time pa para sa pamilya. Ang labanan ngayon ay kung gaano kaseryoso sa business, ito man ay sariling bahay ginagawa ang crafts o Internet shop dapat ay pokus. Marami nang nagtagumpay na negosyo na sinimulan sa sariling bahay. Hindi na kailangang lumabas ng bahay at kumikita pa nang malaki, higit sa lahat ay may time pa rin sa pamilya na siyang nakakatulong din sa negosyo.