^

Para Malibang

Tips na Dapat Alam ng Bawat Mommy

Pang-masa

1-Epektibong magtanggal ng crayon markings sa dinding. Madalas na ginagawang “canvas” ng mga bata ang dinding ng kanilang bahay. Ang mumunting problema na ito ang kukumpleto ng inyong “motherhood experience”. Pero huwag mag-alala, baking soda lang ang katapat n’yan. Paano? Haluan ng tubig ang baking soda hanggang sa maging paste ang consistency. Isantabi muna ang tinimplang ba­king soda. Gamit ang hair blower, i-blower ang cra­yon markings para uminit at lumambot. Lagyan ng baking paste ang cotton na basahan. Ito ang ikuskos sa crayon markings.

2-Linisin ang Lego bricks sa washing machine. Ilagay sa laundry bag ang Lego. Tingnan ang larawan. Ilagay sa washing machine na may tubig at sabon. Para lang naglalaba ng damit. Ang ipinagkaiba lang, medyo maingay kapag pinaiikot mo na ito sa washing machine. Banlawan. Huwag tatanggalin sa laundry bag dahil ibibilad mo pa ito sa araw para matuyo.

3-Paano lilinisin ang suka ng bata sa carpet? Tabunan ng baking soda powder ang suka. Maghintay ng ilang segundo. Titigas ng kaunti ang suka kaya mabilis na matatanggal sa carpet. Punasan ng basahang may liquid detergent. I-vacuum ang area na sinukahan.

4-Paano tatanggalin ang bakas ng ihi at mapangheng amoy  sa kama ng mga bata? Kailangan: Spray bottle; 8 ounces or 1 cup hydrogen peroxide; 2 kutsarang baking soda; 1 drop dishwashing liquid. Haluing mabuti sa isang bowl at saka ilagay sa spray bottle. Ang mixture na ito ang ipang-isprey sa mantsa. Hintaying mabura ang manilaw-nilaw na mantsa. Saka i-vacuum.

ACIRC

ANG

BANLAWAN

EPEKTIBONG

GAMIT

HALUAN

ILAGAY

LEGO

PAANO

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with