Sa pagdating ng holiday seasons may katumbas din itong blues effect sa ibang tao. Karaniwan ang ibang sanhi ng feeling blue ngayong holiday ay dahil sa kawalan ng financial na pangangailan. Habang ang iba ay busy sa pagsa-shopping galore. May indibidwal na walang budget na kahit pambili ng damit na pamasko ay walang maidudukot sa bulsa.
May mga bagay talaga na wala tayong kontrol. Huwag kasi ipokus sa materyal na bagay ang Kapaskuhan kundi, ang totoong diwa ay ipinanganak ang dakilang Tagapagligtas para sa sanlibutan.
Ang pinakamagandang regalo ay ang magandang kalusugan at kapayapaan sa puso na hindi mabibili kahit saan.