Ngayong ay mas madalas nang pinapatugtog ang mga Christmas song sa paligid.
Masaya man sa pandinig ang kantang pamasko, pero sa ilang mga anak, misis, at nanay ng Filipino Overseas Workers ay may kirot sa puso nila tuwing naririnig ang mga songs ng kapaskuhan.
Kulang kasi ang miyembro ng pamilya dahil hindi makakapiling sa pinakamasayang araw ng December sina Tatay, kuya, at ate sa pagsasalu-salo ng pamilya.
Ganito rin ang katumbas na lungkot ang nararamdaman ng mga OFWs na nagtatrabaho sa ibang bansa sa pagka-homesick, lalo na ngayong Disyembre dahil malayo rin sila sa pamilya.
Kung sa ibang tao na gusto nang hatakin ang araw na pagdating ng Pasok dahil sa regalo na matatanggap. May ibang anak at miyembro ng pamilya na gusto namang lumipas na ang Christmas time dahil sa lungkot na hindi kasama ang mahal sa buhay.