Hindi maligawan dahil mukhang manang

Dear Vanezza,

Sa edad kong 28 years old ay hindi pa po ako nagkakaroon ng manliligaw o boyfriend.

May itsura naman ako, mabait, at hindi suplada. Ang sabi ng iba, maaaring dahil daw sa naiilang sa akin ang mga lalaki dahil parang “manang” daw akong manamit. May mga crush ako pero hindi naman ako gusto. Gusto ko ring maranasang magmahal at mahalin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Kailangan ko bang magbago ng itsura at gayahin ang pananamit ng iba? Hindi po ba ala­ngan sa isang teacher na tulad ko na magbigay ng motibo sa isang lalaki na nagugustuhan ko? Need ko ang advice mo. - Lorna

Dear Lorna,

Hindi mo kailangang magbago ng image para ka lang mapansin ng kalalakihan. Hayaan mong ligawan ka ng lalaki kung ano ka.

Ang isang lalaki na tunay na nagmamahal ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo. Bagamat isang factor ang pananamit sa “appeal” ng isang tao, puwede mo namang improved ang sarili ng hindi mo kailangang baguhin ang iyong pagkatao. At bilang isang guro, hindi maganda na ikaw ang magpakita ng motibo sa isang lalaki. Hindi ka pa naman huli sa biyahe kaya ‘wag kang kabahan. Natitiyak kong matatagpuan mo rin ang lalaking karapat-dapat sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments