Paliwanag Tungkol sa mga Pamahiin

Pamahiin: Sa araw ng kasal, kailangang magsuot ang bride ng ‘something borrowed, something new, at something blue.’

Paliwanag:

Something borrowed – Kailangang manghiram ang bride ng gamit mula sa babaeng happily married upang mahawahan siya ng marriage luck nito.

Something new – Ang isang isusuot niya ay kailangang bagong bili na sumisimbolo ng bagong chapter ng kanyang buhay na tatahakin. Madalas ay bagong sapatos at bagong wedding gown ang isinusuot ng bride kaya itong something new ang pinakamabilis ma-achieve.

Something blue – Ang kulay blue ay nagpapahayag ng pagi­ging tapat ng mag-asawa sa isa’t isa.

Pamahiin: Bawal magkita ang bride at groom sa araw ng kasal. Magkikita lang sila sa harap ng altar. Kaya ang nangyayari, hindi bumababa sa kotse ang bride hangga’t hindi pa nagsisimula ang kasal.

Paliwanag: Noong araw ay uso ang arrange marriages. Palibhasa ay walang namamagitang pag-ibig, malaking posibilidad na magbago ang isip ng bride or groom na huwag magpakasal kung bibigyan sila ng pagkakataong magkita ilang oras bago ang kasal. (Itutuloy)

 

Show comments