Paano Tatanggalin ang Gusot sa Damit?

…nang hindi gagamit ng plantsa

1-Para matanggal ang puwing sa mata: pumikit at umubo nang ilang beses.

2-Agad sabunin ang kagat ng lamok para hindi ito mangati.

3-Kung nag-amoy bawang ang iyong hi­ninga, kumain ng mani para mapalitan ito ng kaaya­ayang amoy.

4-Ibuka mo ang iyong bibig kapag may ipinapatak kang gamot sa iyong mata. Titigil ang pagkisap ng mata kapag nakabuka ang bibig.

5-Maglagay ng chalk sa jewelry box para manatiling makintab o makinang ang iyong alahas.

6-Natatandaan ng mga tao ang pinakauna at pinakahuling pangyayari. Kaya hangga’t maaari, pilitin mong ikaw ang mauna sa job interview.

7-Paano magtanggal ng gusot sa cotton T-shirt nang hindi gagamit ng plantsa? Ispreyan lang ng water-vinegar mixture ang bahaging may gusot. Tingnan ang larawan. Tuyuin. Water-Vinegar Mixture: Paghaluin ang isang tasang distilled vinegar at 3 tasang tubig. Ilagay sa spray bottle.

Show comments