Island of the undead (132)

PARA kay Miley tama naman ang suggestion ni Lorenz.

“Okay, ako na lang dito at kalahati ng mga kababaihan at kalalakihan.”

“No, Miley. Sumama ka na lang sa akin. Si Nardo na lang ang mamumuno ng mga maiiwan dito.”

“Pero Lorenz, naniniwala akong mas makakaya ko ang mangulo dito. Kaysa dalawa tayo sa iisang grupo.”

Napabuntong-hininga si Lorenz. “Oo nga. Maaasahan ka naman talaga. Sorry, nagiging protective lang ako sa ‘yo.”

“It’s okay. Nagpapasalamat naman ako at ganyan ka sa akin.”

“Paano, aalis na kami. Gagawa kami nang mabilisan ng mga balsa. Good luck sa inyo dito, Miley.”

“Good luck din sa inyo, Lorenz.”

Umalis na ang grupo ni Lorenz.

Sina Miley ay matalas na nagbabantay, handa kapag may lumabas na mga undead.

WALA siyang kamalay-malay na may nagmamatyag naman sa kanya. Nakatago sa mga malalagong tanim.

Si Blizzard.

Nakatakas ito, hindi rin nakapasok sa selyadong gate ng kuta nina Reyna Coreana.

Nalilito si Blizzard.

Galit na nga ba ako sa kanya? O … mahal ko pa rin siya?

Bakit kapag wala sa tabi ko si Reyna Miley ay iba pa rin ang nararamdaman ko sa tunay na Miley?

Pero may Lorenz na siya, e. Kanina, habang nag-uusap sila, malagkit ang titigan nila sa isa’t isa. Talagang sila na.

Puwede ko siyang patayin nang patraydor ngayon. May patalim pa ako. Gagawin ko na ba?

Naghanda na si Blizzard para lumapit, ang kamay ay nasa punyal. Mananaksak.

Halos nasa likuran na siya ni Miley pero wala pa ring nakakapansin sa kanya. Kayang-kaya nang saksakin ang likod ni Miley. Sa tapat ng baga, sa tapat ng puso.

Nang marinig niyang habang tutok ang mga mata ni Miley sa gate na mga bato ng kampo ni Reyna Coreana, may hina-hum ito na kanta.

Kantang kilalang-kilala pa niya. Ang awit ng kanilang pag-ibig. An old song pero walang kamatayan, puwede rin sa mga kabataang tulad nila. Love Me Tender. Itutuloy

Show comments