Island of the undead (129)

SA KAINITAN ng araw, maingat na lumusob sa kuta nina Reyna Coreana/Reyna Miley sina Miley at Lorenz, kasama ang mga kakampi.

Handang-handa sila sa kanilang mga sandata.

“Lorenz, sana nga tulad ng inaasahan natin, mahina ngayon ang lakas ng mga undead dahil sa tindi ng araw.” Sinabi ni Miley.

“Pinag-isipan naman nating mabuti ang lahat, Miley. Siguro naman susuwertehin na tayo ngayon. But … I still want to be sure of your safety pati na rin ang mga kasama nating babae.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, Blizzard?”

“Kami ang pupronta, kaming mga lalaki. Kayo ay nasa likuran lang namin, malaki ang distansya kung maaari. Kapag nakita n’yo nang tumatalab nga ang ating mga sandata then saka kayo susugod din.”

“What? Paano kung mali na naman? Paano kung may mangyayari sa inyo? Manonood lang ba kami? Mabuti pang sabay-sabay na tayong sumugod, buhay kung buhay. Patay kung patay.” Naiiyak si Miley.

“Hindi! I want to give you a chance to live, Miley. Okay lang kami, Bilang mga lalaki talaga namang duty namin ang mangunguna sa kahit ano mang laban. So please, sumunod ka naman. Kayong mga babae, sa likuran. Susugod lang kayo kapag nakita ninyong tumatalab ang ating sandata. Get that?”

Naiiyak pero tumatango si Miley. “S-sabi mo, e.”

Niyakap ni Lorenz ang dalaga. “Good. Let’s go.”

SAMANTALANG kinokoronahan na si Blizzard bilang hari ng mga undead.

Guwapung-guwapo sa kanyang korona at proud na proud si Blizzard.

Binabasbasan naman siya ni Reyna Miley.

“Ikaw ang karapat-dapat kong hari. Kahati sa kapangyarihan, kahati sa puso, kahati kapag nagkakaisa ang ating mga katawan. Tandaan mo sana, Haring Blizzard na ang pinakauna mong tungkulin ay ipagtanggol ako. Papatayin mo ang umaagaw sa ­aking ganda. Kaya papatayin mo si Miley. Iyan lamang muna ang utos kong dapat mong masunod.”

Sumagot naman si Blizzard na parang wala sa sarili, alipin sa kagandahan ng masamang reyna. “Oo, aking reyna. Malalagot ang hininga ni Miley sa aking mga kamay. At ikasisiy sa mo iyon at lalo mo akong mamahalin.”

Halik na puno ng kamunduhan ang nagselyado ng seremonyas ng pagkokorona kay Blizzard.

Hangos na pumasok ang isang undead na sundalo. “Mahal na Reyna! Naririto ang mga kaaway!”

Itutuloy

Show comments