Mas malaki ba ang isa kumpara sa isa.
Hindi ba sila pantay?
Normal lang na hindi talaga pareho ang size ng mga testicles… parang sa mga boobs din ng mga babae, mas malaki o mas maliit ang isa.
Ang testicles ay malambot, makinis, walang umbok, firm ngunit hindi matigas.
May makakapang malambot na tube sa likuran ng mga testicle na tinatawag na epididymis.
Kung may pagbabagong napapansin at may pag-aalinlangan, ipinapayong ikonsulta ito sa pinagkakatiwalaang doctor.
May iba’t ibang dahilan ng pagkakaroon ng bukol sa testicle o kaya ay pamamaga nito.
• varicocele: paglaki ng ugat sa testicles (parang uod)
• hydrocele: pamamaga dahil sa fluid sa palibot ng testicle
• epididymal cyst: bukol na sanhi ng naipong fluid sa epididymis
• testicular torsion: biglaang masakit na pamamaga na nangyayari kapag napipilipit ang testicles.
• epididymitis: chlamydia infection sa epididymis na magdudulot ng pamamaga at panlalambot ng sa loob ng scrotum (ball sack). Mapapansin na ang scrotum ay mapula at malambot at ito ay tinatawag na epididymo-orchitis
• testicular cancer: tinatayang apat sa 100 na bukol ay cancer - Itutuloy