Biyuda gustong mag-asawa muli

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Leti, 29, biyuda at may dalawang anak. Kahit negosyante ang asawa ko, wala kaming naipon. Kaya nang mawala ang asawa ko ay para akong nalumpo. May nanliligaw sa akin ngayon. Biyudo rin at may kaya. Hindi ko siya mahal pero nagiging praktikal lang ako. Nangako siya na ituturing niyang anak niya ang mga anak ko. Dapat ko bang intindihin ang sasabihin ng iba? Ilang buwan pa lang kasi akong nabibiyuda at ayaw kong may masabi ang mga tao sa akin lalo na mga in-laws ko.

Dear Leti,

Sa relasyon, without love, a marriage is bound to fail. Subalit may mga nagsimula nang walang pag-ibig pero nadi-develop kalaunan. Pero paano kung magpapakasal ka only for convenience at magsisi balang araw? Parang sugal iyan. May karapatan kang mag-asawa muli.  Mag-isip ka munang mabuti dahil hindi lang kapakanan mo ang nakasalalay dito kundi pati ng iyong mga anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments