Mabuti na lang mas madali nang magpadala ng pera ang mga Overseas Filipino Workers ngayon sa kani-kanilang pamilya sa bansa. Pero hindi naman madalas may mahuhugot ang OFWs sa kanilang pitaka para ihulog sa banko papunta ng ‘Pinas. Sa malas, spoiled na ang pamilya at kamag-anak na naiiwan sa bansa na akala nila one click lang ganun kabilis kumita ng pera.
Malaki ang magagawa ng naiwang pamilya para makaipon din si Tatay kahit nasa ibang bansa. May tips sa pagtitipid:
Credit card – Palibhasa may inaasahan na padala kaya kung gumamit ng credit card ay ganun na lang i-swipe lalo na kapag sales sa malls. Para hindi mabaon sa utang, hanggang maaari mag-ipon na lang ng perang pambili tutal naman hinihintay mo rin ang padala ni Tatay sa pambayad sa credit cards.
Phone plan – Hi-tech na ngayon kaya hindi na kailangan ng phone plan para makausap ang mahal sa buhay. Puwede nang mag-Skype, Facebook, Instagram para mas matagal na marinig ang boses ng ating loved ones saan lupalok man ng mundo.