^

Para Malibang

Island of the undead 124

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang tunay na Miley sa kataksilang nakikita. “Taksil ka, Blizzard! Isang napakasamang reynang nanggaya ng mukha ko, pinatulan mo! At mukhang baliw na baliw ka sa kanyaaa!”

Ang dalawang hubad sa buhangin ng dagat ay talagang wala nang pakialam sa mundo ng moralidad.

May balak pa yatang mag-sex kahit araw na araw.

Nagwala na ang galit ni Miley. Sumugod. Dala ang pamukpok na sandata.

“Eeeeeee! Mga bastooos! Mga walanghiyaaaa!”

Ang una niyang nahagip ng hataw ay si Blizzard.

“AAAAHHHHH! Miley?!!”

“Ako nga! Tarantadong taksil!”

Si Reyna Miley naman ang bumuwelo, tinalon si Miley at sinakal.

“Ito na ang pagkakataon ko para patayin kita! Matagal na kitang gustong mamatay dahil sagabal ka sa ganda ko!”

            Ang higpit ng sakal ni Reyna Miley kay Miley, nagkandaubo na si Miley.

            At halos malagutan na siya ng hininga. Walang pag-aalinlangan ang pekeng Miley na patayin ang tunay.

Pero hindi naman nasiraan ng loob si Miley. May nakuhang buhangin ang kanyang dalawang kamay.

At sabay niyang isinaboy sa mukha ni Reyna Miley.

“EEEEEEEEE! Hindi ako makakita! Blizzaaaard! Tulu­ngan mo ako!”

Nakabangon si Miley at naitulak ang peke sa buhangin. Napatihaya ito.

Si Miley naman ang nanakal sa reyna. “Napa­kasama mooo! Okay lang na mapatay kitaaa! Hindi ako magsisisi dahil ang sama-sama mooo!”

Pero may humataw sa likod ni Miley, si Blizzard.

Hindi makapaniwala si Miley habang nakatingin sa nobyong hawak ang kahoy.

“N-nagawa mo na akong saktan, Blizzard?”

“A-ayokong saktan mo ang aking Reyna Miley!”

“But are you crazy now? Sino ba siya? Hindi ba ang pangit na si Reyna Coreana na nagnakaw lang ng itsura ko!”

“Pero siya ang  totoong nagmamahal sa akin! Eh, ikaw? Si Lorenz na ang mahal mo!”

“Hindi ‘yan totoo! Kailanman hindi ako taksil! Mabuting tao si Lorenz kaya malapit ako sa kanya!”

“Blizzard, tama na ang dada! Hatawin mo na siya sa mukha para masira ang original beauty niya!” Sigaw ni Reyna Miley. -ITUTULOY

 

 

ACIRC

ANG

HINDI

MGA

MILEY

NBSP

PERO

REYNA

REYNA COREANA

REYNA MILEY

SI LORENZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with