Tips para sa healthy penis (3)

Dapat lamang na pangalagaan ng mga lalaki ang kanilang penis dahil walang katumbas ang ‘kaligayahan’ na naibibigay nito.

Kapag, nagkaroon ng problema sa penis, magkakaroon ito ng epekto sa iyong sex life,  relasyon, at sa iyong buhay.

Wagas ang ‘kaligayahan’ na ibinibigay sa inyo ni manoy.

Kapag may problema ang inyong penis, paano na ang happiness mo dahil siguradong mai-stress ka, ganun din si Ate. Pare-pareho na kayong stress.

Narito ang iba pang tips para manatili sa kondisyon ang inyong penis. 

PALAKASIN ANG PELVIC FLOOR ­MUSCLES - May mahalagang papel ang pelvic floor muscles sa erections at ejaculation ng mga lalaki. Kapag naa-arouse ang mga lalaki naa-activate ang pelvic floor muscles para ma-maintain ang erection at ang pataas na anggulo ng ‘naka-erect ‘ na penis penile.

Ang pelvic floor muscles ang responsable para maging erect ang penis at siyang nagme-maintain ng erection at tumutulong din sa ejaculation.

Para mapalakas ang pelvic muscles, gawin ang kegel exercise. Kung ang inaakala ninyo ay para lang sa mga babae ang kegel exercise ay nagkakamali kayo.

Narito ang paraan ng kegel exercise.

Tukuyin ang pelvic floor muscles sa pamamagitan ng pagpigil ng ihi o utot. Ang muscle na ginagamit para sa pagpigil ay ang pelvic floor muscles.

Kapag natukoy na ang pelvic floor muscles i-contract ito ng tatlong segundo sa pahigang posisyon at i-relax ito ng tatlong segundo.

Puwede ring gawin ito ng nakaupo o nakahigang posisyon.

Siguraduhing ang pelvic floor muscles lamang ang inyong ginagamit sa exercise at hindi sumasama ang  mucles sa  tiyan, binti, at puwet.

Gawin ito ng tatlong beses sa isang araw.   (ITUTULOY)

Show comments