Panaginip: Sa loob ng dalawang buwan, tatlong beses kong napanagipan na may bumagsak na eroplano sa tabi ng bahay namin.---ILS
Interpretation: May isang pangyayari sa iyong buhay na naging dahilan para ka makadama ng anxiety and loss of control.
Kumusta ang relasyon mo sa iyong asawa, anak o miyembro ng iyong pamilya na kasama mo sa bahay? Ang isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng panaginip na may bumagsak na eroplano ay dahil may pag-aaway na nagaganap sa loob ng iyong pamamahay. Magpapaulit-ulit iyon hangga’t hindi nasusolusyunan ang problema.