^

Para Malibang

Tips para sa healthy penis (1)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Kung importante sa inyo ang inyong penis, dapat lamang na pangalagaan ito dahil kapag nagkaproblema ang inyong penis, malaking issue ito.

Hindi matatawaran ang ‘kaligayahan’ na ibinibigay sa inyo ng inyong penis.

Kapag may problema ang inyong penis, siguradong mai-stress ka, kapag na-stress ka, mai-stress din si Ate. Mai-stress din ang penis, pare-pareho na kayong mai-stress.

Nauna na nating natalakay ang tungkol sa pagme-maintain ng healthy weight at pagkain ng healthy food, stress, sigarilyo, alcohol at sapat na oras ng pagtulog.

Kaya narito ang iba pang tips para manatili sa kondisyon ang inyong penis.

 REGULAR EXERCISE- May malaking epekto ang regular exercise sa ating sexual function.

Nakababawas ito ng stress, nagpapaganda ng mood, hindi agad napapagod at nakadagdag ng energy.

Alam naman natin na ang mga bagay na ito ay mga mahahalagang factor sa ating sex life.

Kung palaging nag-e-exercise, mababawasan ang panganib ng diabetes, sakit sa puso, stroke, high blood pressure, mga  cancers, osteoporosis, chronic medical problems, at physical disability.

Ang mga sakit na ito ay may epekto rin sa sexual function.

Kapag nag-e-exercise, mas nagiging malakas ang puso kaya mas magiging maayos ang pagpa-function nito. Mas nagiging elastic0 ang blood vessels para sa maayos na pagdaloy ng dugo at mas nagiging maayos ang paggamit ng mga muscles sa oxygen.

Ugaliing gawin ang mga exercises para sa muscles na may kinalaman sa pakikipag-sex. Targetin ang mga core muscles,  external rotators ng balakang, at ang pelvic floor muscles para mag-improve ang inyong sexual performance.

 

ALAM

ANG

INYONG

KAPAG

KAYA

MAI

MGA

NAKABABAWAS

NAUNA

PENIS

STRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with