Phobia panira ng forever

Ang phobia ay sintomas ng sobrang pag-aalala o pagkabalisa sa hindi maipaliwanag na takot, pero puwedeng malampasan kapag natukoy ang mga sumusunod na sitwasyon para mabigyan ng treatment. Narito ang iba pang phobia ng ibang tao na maaaring malaman:

Philophobia – Marami ang nangangarap na ma-in love at mahal din naman. Pero  may ibang tao na itinutu­ring ang love life ay dapat iwasan.  Pinag-uusapan pa lang ang love life ay ninerbyos at hindi na mapakali dahil sa takot.  Ayaw nilang magmahal o mahalin dahil takot sila sa romantic love o magkaroon ng emotional attachment. Ang taong may ganitong phobia ay hindi rin umaamin  kahit may special feelings na  silang nararamdaman sa ibang tao. Kaya lumalayo na lang sila, para maiwasan na magkaroon ng relasyon at maging single at mag-isa na lang sa buhay.

Madalas ang ganitong phobia ay may kinalaman din sa pamilya, kultura, at sa relihiyong paniniwala. Kung saan maaaring natri-trigger ang takot dahil sa paghihiwalay ng magulang na nakita ang kanilang pag-aaway, lalo na kung saan may domestic violence na nasaksihan nung bata pa. Maaari rin na nagkaroon ng negatibong o nabigong re­lasyon. Puwede ring ipinagbabawal sa kanilang simbahan na makipamatok sa hindi mananampalatang katulad niya.

Karaniwan din sa ganitong phobia ay mas marami sa kababaihan kaysa sa mga lalaki.

Arrhenphobia – Tinatawag din itong androphobia na isang abnormal na takot sa presensiya ng mga kalalakihan. Apektado ang ganitong tao at hindi komportable maki-hang out kapag may kasamang mga lalaki.  Sinasabi ng mga psychiatrists, ang phobia ay maaring na-develop nang masaksihang inabuso ang kanyang nanay physically o verbally; puwede ring nabiktima siya ng rape o namolestiya na naging sanhi ng kanyang bad experience sa lalaki.

Agoraphobia – Takot umalis o iwanan ang bahay. Ang ganitong phobia ay umiiwas pumunta sa mataong lugar. Nirarason na mahirap puntahan ang lugar, traffic, nalalayuan, masyadong malawak ang lugar na papasyalan. Pero ang totoo nakararanas sila ng takot at panic kaya nanatili na lang sa comfort zone sa loob ng bahay. Lumiit ang mundong kanilang ginagalawan dahil nanatili lang sila sa kanilang territoryo.

Ayon sa research, maraming tao ang hindi aware sa ganitong phobia. Ang iba ay natatakot at nahihiyang sabihin ito sa kanilang doctor, loved ones, at kaibigan. Kaya nagdurusa sila ng tahimik na lumalayo mula sa kanilang pamilya, kaibigan, at ibang tao na makapagbibigay sana sa kanila ng tulong o supporta.

Show comments