Strategy para maka-survive sa diet

Ngayong papalapit na ang kapaskuhan marami ring sunud-sunod na holidays na pagsasamahan ng pamilya, kaibigan, at kaopisina para ipagdiwang ang tradisyonal na okasyon, reunion, o party.  Kahit ang mga disiplinadong tao ay hirap na makaiwas sa temtasyon lalo’t sunud-sunod din ang socializing, kainan, at inuman ngayong holiday season.

Mataas din ang health risk ngayong darating na holidays season dahil sa rami ng  kainan at inuman na pupuntahan ng mga tao. Mas marami rin ang nagsisigarilyo dahil lumalamig na ang panahon.

Kakailanganin ng strategy  para maka-survive ngayong seasonal parties na susugurin na hindi masyadong madadagdagan ang inyong timbang at magiging healthy pa rin. May mga holiday diet tips na puwedeng sundin:

Calories – Puwede mo naman ma-enjoy ang pagkain basta ba limitahan mo lang ng tamang dami sa pinggan.  Isang technique ay tikman mo ang mga pagkain na bihira mo lang makain. Huwag din kumaha ng pagkain na hindi mo talaga kinakain.  Relaks lang din sa paglantak ng calories na katamtaman lang o i-cut ito. Tapos dagdagan mo lang ng konting cheese, gravy, nuts, whipped cream, prutas, at gulay. Kahit damihan ang mga ito, hindi naman madadagdagan ang taba mo sa iyong baywang o tiyan.

Hapit na suot- Nirerekomenda rin ng mga expert na magsuot ng masikip na damit sa party.  Habang nakatayo sa tabi ng mesa at nag-iisip ng kukunin na pagkain, hawakan ang iyong tiyan. Sa ganitong paraan mapipigilan ang pagkain mo ng marami.

Chewing gum- Kapag ayaw mong kumain, ngumuya na lang ng chewing gum na mas mainam dahil less sugar ito. Effective rin ito habang nagluluto o kapag umiiwas ka ng pagkain sa buffet na pupuntahan mo.

Tubig – Pagdating mo sa party, uminom ka agad ng isang basong tubig, maghintay ng 30 minutes bago kumain. Habang naghihintay  tingnan o ikutin muna ang buffet table at saka mag-isip kung anong gusto mo lang tikman. Sa halip na juice o alcohol, uminom na lang ng tubig. Kung hindi  ito maiwasan, half na lang ng baso ang inumin na drinks na inaalok sa party.

 

Show comments