Telstra hinihintay na

Marami na ang nag-aabangan sa pagdating ng ­Telstra sa susunod na taon mula sa Australia na makikipagsanib puwersa sa San Miguel Corporation, para sa mas malakas at quality na serbisyo mula sa linya ng telecommunication.

Dahil sa maraming promise na serbisyo ng Telstar tulad ng  papagandahin ang Internet services, mas mabilis na connection sa speed na paggamit ng iba’t ibang application,  wala  rin umanong  data cap, mas murang mega bites, at iba pang hi-tech na gamit - dahil diyan ngayon pa lang ay hinihintay na ang Telstra sa pagdating sa bansa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na papasukin ng Telstra ang Asya, dahil nagsimula na ang kompanya sa Singapore at Hong Kong na inabot din ng bilyong dolyar ang pinuhunan sa mga kalidad nilang serbisyo sa mga nasabing bansa.

Show comments