#Maling Ginagawa kay Baby

…na kanyang ikakahiya paglaki niya

1-Binibigyan ng nakakatawang pala­yaw kagaya ng Potpot, Leklek, Kulot, Taba, Barang, Ikbal (short for tikbalang), Bunot (parang bunot ang buhok), etc. O, mga pabebeng palayaw: Pochi, Munchkin, Pumpkin. Paglaki nila mas malamang na kilabutan sila. O, gami­ting pang-asar sa kanila.

2-Kinukunan ng lit­rato nang hubo’t hubad. Okey cute kasi, pero nagiging pornography na ang dating niyan, kapag binata at dalaga na sila pero ipinakikita mo pa rin sa ibang tao ang “bold baby picture” nila. Naku maraming guilty diyan.

3-Ngayong may social media na, maling i-shout out ang potty training niya. Pati ba naman ang pag-ebak ni Baby ipangangalandakan pa sa Facebook? Who knows, cute sa iyo bilang mommy, pero kadiri sa ibang tao na makakabasa.

4-Ang toddler na la­laki ay nakakatuwaang bihisan nang pambabae. Lalagyan ng make-up at lipstick sabay kuha ng picture. Mabuti noon at walang social media. Puwedeng paglaki ni Baby ay sirain ang lit­rato. Ngayon, mahirap nang gawin iyon. Ang picture ay ibabandera ni Mommy sa Facebook at Instagram with matching caption ng HA-HA-HA or LOL. Ilang libong “friends” ni Mommy ang magkakaroon ng ganoong klaseng komento?

Show comments