Oo naman! Kasal ang pruweba ng pag-iisang dibdib n’yo ng taong mahal mo. Hindi sa kung kani-kanino lang ha, pero bilang Katoliko rin, dapat sundin ang isa sa pitong sakramento. Hindi mo magagampanan bilang Katoliko ang iyong tungkulin kung hindi mo nabuo ang pitong sakramento - CARLO, Cebu
Depende siguro. Kasi ako, mas importante naman sa akin na loyal at faithful ang babae sa relasyon namin. Kahit hindi kami kasal basta’t alam ko na ako lang at wala siyang ibang kinakalantari, at nagagampanan niya ang pagiging isang may-asawa ay solb na ako. - LITO, Catanduanes
Kailangan ng kasal dahil ito ang sumisimbolo ng pagmamahal ng dalawang tao. Ito rin ang seremonya para maipaalam sa mga kaibigan, pamilya, at madalang bayan na may kasama at katuwang ka sa buhay. - UTOY, Pangasinan
Gastos lang ang kasal. Dapat praktikal na ngayon. Maganda naman kung kasal ka. Pero kung wala ka namang pera, eh bakit pa ipipilit? Maaari naman kayong magsama ng asawa mo na tahimik kahit hindi kasal. - PETE, Marinduque
Kailangan ito ng dalawang taong nagmamahalan dahil nasa batas ito. Maraming benepisyo ang makukuha sa pagpapakasal. ARTURO - Batangas