Ang mga Aztec, sa Mexico ay nagtanim ng gulay na kamatis para kainin. Noong 1600s dinala ang kamatis sa Spain at ibinalik sa Kastila na tinawag na tomate mula sa salitang Nahuatl na tomatl. Tinangkilik sa Spain, Italy, North Africa, at sa Gitnang Silangan ang kamatis hanggang sa nakarating ito sa hilagang Europa. Noong una, inaakalang nakalalason ang kamatis na itinatanim lamang bilang pampaganda sa mga halamanan. Ang itsura kasi ng kamatis ay parang kauri ng mga nakalalasong halaman tulad ng kulay pula ang bunga nito, mabaho ang dahon, at nakalalason ang mga tangkay.
Kulay dilaw ang unang natikmang kamatis sa Europa, na tinawag ng mga Italyano na pomodoro, ibig sabihin ay ginintuang mansanas; sa Ingles ay natomate at naging tomato, na nauso rin ang terminong mansanas ng pag-ibig. Mula sa Europa, dinalang muli ng mga kolonista ang kamatis sa Atlantiko patungo sa Hilagang Amerika, kung saan noong 1900s, ito’y naging isang mahalagang pagkain.