Ang Lucky Location ng Office

1-Kung ikaw ay nagrerenta lang ng opisina sa isang malaking building, huwag pipiliin ang opisinang nakatapat sa elevator, toilet, at hagdan.

2-Ang glass door ay angkop lang sa harapan ng reception area. Ngunit mayroon dapat na second solid door sa entrance ng mismong opisina.

3-Huwag pipili ng opisinang nasa end of a long corridor dahil ang negative energies ay dito tumitigil at “napapanis”.

4-Ang kuwarto ng taong may pinakamataas na posisyon sa isang kompanya ay dapat nakaposisyon “diagonally opposite the entrance”.

5-Kung imposibleng isagawa ang number 4, northwest corner ang second choice kung lalaki ang bossing.

6-Para sa babaeng bossing, iposisyon ang kanyang kuwarto sa southwest corner.

7-Sa south corner dapat ilagay ang office ng sales, marketing, at PR people. Ang corner na ito ang nagdadala ng suwerte sa mga gawaing may kinalaman sa publicity at media.

8-Sa southeast ilagay ang opisina ng “money people” o ang trabaho ay may kinalaman sa income, cash, accounts upang lalong mag-improve ang finances, at cash flows ng kompanya.

Show comments