Pagpapakita ng kuyukot sa Brazil, hindi isyu

Hindi tulad ng ibang lahi sa North America, ayos lang sa Brazilians ang kakapiranggot na personal space. Hindi sila maarte kahit ipagsiksikan sa matataong lugar. Touchy silang tao at sa ganitong paraan nila naipakikita ang kanilang nais iparating sa taong kaharap.

Hindi konserbatibo ang Brazilians, walang sekswal na ibig sabihin ang kanilang mga pahaplus-haplos ‘di tulad sa ibang bansa na maaari na itong pagmulan ng kaso ng sexual harassment. Ito’y kanilang pagpapakita ng pakikipagkaibigan at pag-aalala sa kapwa.

Mas touchy ang mga kababaihan na mahilig magbeso sa magkabilang pisngi. Ang mga kalalakihan nama’y mahilig mangtapik sa likod at mag-“bear hugs”. Ang mga nasabing “informal greetings” ay nagtutuloy naman sa magandang usapan.

Ang body language rin nila ang nagsasabi ng respeto sa mga mas nakatataas sa lipunan. Bukod sa pagtawag ng tama sa mga pari, guro, doktor, at propesor, nakikipagbatian sila na nakayuko at mahinhin na pakikipagkamay.

Hindi rin sila maselan kesehodang makita na ang kanilang kuyukot. Walang problema sa kanila pagpapakita ng katawan. Hindi malisyosong bagay ang makita kahit ang maseselang parte ng katawan dahil nga sa kanilang kultura.

 

Show comments