Sales sa ibang bansa dinarayo na ng OFWs

Nangangamoy Pasko na kaya ang mga kababa­yan nating OFWs maliit o malaki man ang kinikita nila, panay na ang shopping lalo na kung may sales bukod sa mas mura ang binibili nilang items, kung saan lupalop man sila ng mundo naroon para lang may ipadala sa kanilang pamilya.

Kilalang napaka-gene­rous ang Pinoy lalo na kapag nag-a-abroad dahil gusto nilang magbigay ng regalo lalo na ngayong darating na Holiday Season na marami uuwi para makasama ang pamilya nila ngayong kapaskuhan.

Naging tradisyonal na ang OFWs ang pagbibigay ng presensiya kahit nga sa mga kaibigan o kapitbahay. Masaya na silang may maabot na pasalubong na tumbasan lang ng sukling pasasa­lamat ay masaya na rin ang kababayan nating hindi naghihintay ng kapalit.

Show comments