Binigyan ang bawat tao ng abilidad na makapag-isip, makaramdam, kumilos, at mag-react. Ang bawat bahagi ng katawan ay nakagagalaw at nakararanas ng emosyon dahil sa ating nervous system.
Ang nervous system ay isang komplikado at organisadong network na binubuo ng maraming sanga-sangang nerve na tumatakbo sa daluyan ng ugat na nagdadala ng mensahe papunta o galing sa ating utak.
Ang nervous system ay maaring ikumpara sa railroad ng train na may maraming track na nagdadala sa iba’t ibang direksiyon na kinokontrol naman ng main switch sa network ng istasyon.
Ang nervous system ay may nerve signal na tinatawag na impulses, na siyang nagpapadala sa mga ugat sa daluyan ng track. Kaya ka nagre-react ay dahil sa impulses na siyang pinadadalang mensahe mula sa lahat ng bahagi ng katawan mula sa utak. Parang computer na merong control station. Ang nervous system ay kamangha-manghang ilustrasyon na dinisenyo at may dahilan kaya nilikha ng Panginoon.
Ang nervous system ay nahahati sa dalawang major part, ang central system na may brain at spinal cord, at ang pangalawa ay ang peripheralnervous system ay may kumpul-kumpol na mga uagat.