Ang Office na may Good Fengshui

1-Regular dapat ang korte ng buong opisina.

2-Maluwag at maaliwalas ang reception area.

3-Ang desk lalo na ang sa executives at mana­gers ay dapat na malaki at malapad.  Ang sandalan ng upuan ay dapat na mataas at may arm rests. Ang ganitong yari ng upuan ay nagpapahayag ng awtoridad.

4-Kung regular ang shape at layout ng opisina, ito ay magdadala ng financial fortune sa kompan­ya. Magiging harmonious ang relasyon ng mga empleyado; at magdadala ng healthy environment, kaya mababawasan ang absences dulot ng pagkakasakit.

5-Kung may beam sa opisina, iwasang pumuwesto sa tapat nito. Isa pang dapat iwasan ay mapatapat sa nakaumbok na kanto ng poste dahil nagdudulot ito ng poison arrow.

6-Kung ang korte ng isang kuwarto sa opisina ay hindi regular, makokontra ang bad energy sa pamamagitan ng paggamit ng maliliwanag na bombilya.

7-Iwasang ibigay sa manager ang kuwartong may irregular shape dahil ang epekto nito ay mamaliitin ng kanyang mga tauhan ang kanyang kakayahang mamuno kaya mabibigo siyang i-exercise ang kanyang awtoridad.

Show comments