16-Lumilipas kaagad ang flavour ng ground spices, lalo na ang ground cumin. Kaya kung sa umpisa pa lang ay wala na itong amoy, huwag na itong gamitin dahil wala naman itong maitutulong sa lasa ng niluluto mo.
17-Palamigin muna ang pagkain bago ito itago sa refrigerator.
18-Mapapalambot ang tumigas na brown sugar kung ipapainit ito sa microwave ng isang minuto. Bawasan ang oras kung less than one kilo ito.
19-Mas mainam na itabi sa freezer ang luya. Pero balatan muna ito at hugasan. Mas tumatagal ang shelf life nito at mas mabilis kudkurin kung kailangan ng grated ginger sa recipe kagaya ng paggawa ng teriyaki marinade.
20-Para huwag dumikit ang cheese sa kudkuran, pahiran muna ito ng cooking oil bago magkudkod.
21-Kung 10 o higit pang hard boiled eggs ang babalatan mo, ilagay ito sa plastic container na may takip. Alugin ito ng sunod-sunod. Luluwag ang shell at mabilis nang matatanggal ito. (Itutuloy)