Island of the undead 104
SINA Miley ay patuloy pa ring naghahanap ng mga halamang napakabango na pagkabahong-baho naman sa mga ilong ng mga undead.
“Miley, wala pa rin tayong makita!” Sabi ng tauhan ni Lorenz.
“Pupunta pa tayo doon sa dulo, baka meron.”
“Paano kung wala na, Miley?”
Tumiim ang anyo ni Miley. “Hindi pwedeng wala. Hindi tayo susuko.”
“Oo nga, e. Isipin mo may ganoong mga halaman pala na tatalo sa kanila.”
“Nakita na natin ang mga kokonting halaman. Nagbigay lang ang Diyos sa atin ng palatandaan. Ng pag-asang makakaalis pa tayong buhay sa islang ito.” Sagot ni Miley.
Si Doktora Joanne ay may tinitingnan.
At may itinuro.
“Ano po ‘yon, Doktora Joanne?” Tanong ni Miley at tumingin sa tinitingnan ng doktora.
Napalapit si Miley sa mga halaman.
Medyo malayo ito sa kanilang kinatatayuan. Nasa medyong mataas na lupa.
“Miley, iniisip mo bang mga halamang mababango ‘yan?”
“Para kasing katulad nitong mga mababangong halamang nakuha na natin. Kaya diyan lang kayo. Tatakbuhin at aakyatin ko lang.”
Wala ngang sinayang na panahon si Miley, para itong napakagandang amasonang tumakbo sa mga halaman.
Kabadong naghihintay ang mga kasama habang nakatingin kay Miley.
“Kung kapareho ang mga ‘yan, bakit nasa lupa? Di b a ang mga nakuha natin ay nasa mababaw na bahagi ng tubig?” Dudang nagkomento ang isang kasama.
HINDI naman makapaniwala si Blizzard na siya ay tao na nga.
“Totoo ba ‘to? God, salamat po!”
“Hoy! Sa akin ka magpasalamat! Ako ang nagpabalik sa iyo sa pagiging tao! Diyos din ako!” Nagyabang ang reyna ng mga undead.
ITUTULOY...
- Latest