Para Lumakas ang Negosyo

Saan gagawin: Sa inyong bahay

Kailan gagawin: Sa umaga, pagsikat ng araw.

Gaano kadalas gagawin ang spell: Kung mahina ang benta, araw-araw

Kailangan: Dustpan/pandakot na yari sa lata, pamaypay, uling, sulphur powder o asupre, asukal at cinnamon powder.

Paraan:

1—Magbaga muna ng uling. Ilagay sa dustpan.

2—Paghaluin ang asupre, asukal at cinnamon powder. Ipatong ang mixture sa nagbabagang uling.

3—Paminsan-minsang paypayan ang uling upang hindi mamatay ang baga. Hayaang kumalat ang usok. Mas mainam na libutin ang bahay habang umuusok ang mixture.

4—Habang sumisikat ang araw, humarap sa east at manalangin na maging mabenta ang paninda.

5—Budburan ng cinnamon powder ang cash box or maglagay ng isang kurot na powder sa red cloth at ilagay sa wallet.

Show comments