Ayaw ni ‘Neneng’ ng ganyan

Isipin ninyo mga Ate kung ano ang nagagawa ng inyong vagina para sa inyo.

Kung anong kaligayahan ang naibibigay ni ‘Neneng’ sa inyong sexual activity.

Kusa itong naglilinis sa pamamagitan ng discharge, kusa itong luma­laki kapag nagbubuntis, at kung anu-anu pa.

Sa rami ng inyong pakinabang sa inyng vagina, nararapat; lamang na bigyan din ito ng tender-loving care.

Narito ang mga bagay na hindi ninyo alam na ayaw na ayaw ni ‘Neneng.’

1.  Pag-upo sa bike na walang padding- Naranasan n’yo na bang mamanhid ang inyong labia o kaya ay manakit sa inyong pagbibisikleta. Ibig sabihin nito, ang inyong pagkakaupo sa bisikleta ay umiipit sa nerves at blood vessels sa vaginal area. Kapag laging nangyayari ito, maaaring mawala ang inyong genital sensation.

2.   Hindi hinuhubad agad ang damit na pinag-gym pagkatapos ng work out. Habang ‘di hinuhubad ang pinagpawisang damit, mabilis na dumadami ang bacteria dahil sa pawis na naipon sa inyong vaginal area matapos ang workout. Kapag pumasok ang bacteria sa inyong vaginal anal, masisira ang balance ng microorganisms na normal na naninirahan sa vagina na nagiging sanhi ng yeast infection, ayon kay Mary Jane Minkin, M.D., clinical associate professor ng ob-gyn sa Yale School of Medicine. Kaya magpalit agad ng pinawisang damit o ‘di kaya ay maligo agad pagkagaling sa workout.

Show comments