Para mag-function ng maayos ang ating katawan, kailangan nating uminom ng hindi bababa sa dalawang litro ng tubig (o liquid) kada araw. Kaya nga nakararamdam tayo ng pagkahapo kapag kulang tayo ng tubig sa katawan.
Animnapung porsyento ng timbang ng isang tao ay tubig. Pero ang pangangailangan sa katawan ay dumedepende sa kinakain ng isang tao, temperatura ng tinitirhan nito, antas ng pamumuhay, at marami pang iba.
Ang prutas at gulay ay hindi lang mapagkukunan ng sustansya, kundi isang magandang source rin ng tubig. ‘Pag ang prutas at gulay ay kinain, nakukuha ng ating katawan ang tubig na nagmumula rito.
Ang gulay na may pinakamagandang source ng tubig ay pepino. Nagtataglay kasi ito ng 96% na tubig. Samantalang sa prutas naman, ang pakwan ang may pinakamataas na water percentage. Ito’y nagtataglay ng 92% na tubig.
Kaya nga totoo ang kasabihang kumain ka ng pakwan kapag tag-init at siguradong mapapawi hindi lang ang init ng katawan kundi maging ang pagka-uhaw.
Ang pepino naman ay sinasabing panlinis ng bituka at kinakain ng mga nagdidiyeta. Totoo rin naman ito dahil nga sa water content ng nasabing gulay.
Kaya sa susunod, kumain ng pepino at pakwan kapag ramdam n’yong hapo kayo at mabalis kayong mare-rehydrate tulad ng pag-inom ng tubig. Burp!