Panaginip: Apat na beses na akong nananaginip na nawawala ang aking kotse sa lugar na pinagparadahan ko—mall, tapat ng simbahan, tapat ng bahay ng kaibigan at parking lot ng supermarket. Halos maluka-luka ako sa paghahanap. Lagi akong bigo na mahanap ang kotse. In real life, wala akong kotse.---sweet pomelo
Interpretation: Ang pagkawala ng iyong kotse ay nagpapahayag ng pagkawala o pagkabigo sa mga bagay na mahalaga sa iyong buhay: trabaho, pakikipagrelasyon, pera. Paulit-ulit ang panaginip dahil hindi ka pa rin nakaka-get over sa mga pangyayari. May kinikimkim ka pa rin diyan sa puso mo.