^

Para Malibang

‘Trahedya sa Dalampasigan’

Pang-masa

Front page headline:

“Isang binatilyo nalunod sa baha na gabinti ang lalim.” Hah? ‘Di yan totoo. Kalokohan lang yan. Paano nangyari yun? Katawa-tawa.

Eleksyon 2016: Naabutan ng pangtoma. Pang-outing. Naaspalto ang eskinita. Nata­yuan ng half-court. Na­ging ninong sa binyag. Pamaskong groce­ries. Binoto agad. Mababaw yata? Nangampanya: Sumayaw. Nagpatawa. May sahog pang artista. Paagaw T-shirts at bola. Kumamay at bumesu-beso. Wow, cute niya. Miryenda sa styropor. Tinapos sa flying kiss. Binoto agad. Mababaw yata?

Si Kandidato: Puwede ka. Me hitsura ka e. Magaling kang bumoka. Presidente ka ng home­owners. Laki ng angkan ninyo. Honey, tapos na tatlong termino ko, takbo ka. Anak, Pamangkin, Pinsan, Apo, pila na kayo. Kayo naman. Pagdating sa kapangyarihan at kislap ng kaban, anong kuwali-kuwalipikasyon? Samantalahin ang pagkakataon. Mababaw talaga!

Nanalo: Tagpas empleyado sa munisipyo. Ipuwesto mga kaalyado. Para walang kokontra. Tayo naman. Suklian mga nagpondo. Bigyan ng mga kontrata. Pamamahalang nakabase sa utang na loob, palakasan at pansariling kapakanan. Kaya puro pakulo lang at pampapoging proyekto. ‘Di makapagpundar ng pangmatagalang programa. Operetang putul-putol. ‘Di ba mababaw?

Yan ang isa sa mga mukha ng kababawan na ­siyang unti-unting lumulunod sa ating bayan. Gabinti ang tubig ngunit nakalulunod. Nakakatawang nakaka-high blood. Muli sanang lumitaw ang mga statesmen. Mga taong may tunay na malasakit at panuntunan para sa kasalukuyang panahon at sa darating na hene­rasyon. At malapnos ang mga trapo. - Edwin Tan

ACIRC

ANAK

ANG

APO

BINOTO

EDWIN TAN

MABABAW

MGA

PAAGAW T

SI KANDIDATO

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with