1-Kung magluluto para sa espesyal na okasyon, hindi ito ang tamang panahon para subukan ang bagong recipe o dating recipe pero may susubukang bagong ingredient.
2-Tip ni Mario Batali ng Iron Chef America, kung magluluto ng pasta/noodles, bawasan ng isang minuto ang pagpapakulo dito base sa cooking instruction na nakasulat sa pakete.
3-Kung walang ketchup para sa kakaining sunny side up egg, subukan ang pinaghalong toyo, isang kurot na asukal, at kalamansi.
4-Para maging creamy, at the same time, healthy, ang salad dressing: Ang 50 percent ng gagamiting mayonnaise ay palitan ng Greek-style yogurt.
5-Sa paggawa ng sandwich: Umpisahang ipahid ang mayonnaise sa gilid ng tinapay papunta sa center para maikalat ito nang maayos. Minsan kasi, naiipon sa gitna ang mayonnaise kaya kapag kinain ang sandwich, walang lasa ang gilid.
6-Bago iprito ng tinimplang hamburger, bumuo muna ng isang maliit na patty at ito ang iprito. Tikman. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung ayos na ang timpla o may gagawin ka pang adjustment sa alat, tamis, spices.
7-Sa pagluluto ng fresh corn soup: Matapos hiwain ang mais sa busil (cob) nito, kayurin ng likod ng kutsilyo (walang talim) ang busil para masaid ang natitirang katas. - Itutuloy