Hindi na rin bago ang pag-aaway sa pulitika, dahil noon pa man tulad nina Jose Rizal at Marcelo Del Pilar na magkaiba ang paniniwala sa pagpapalaganap ng La Solidaridad. Kahit nagkakaisa sila sa layunin ng pahayagan laban sa mga pang-aapi ng mga Kastila. Ang paniwala ni Rizal na ang pahayagan ay magiging mabisa kung ito ay sa Pilipinas palalaganapin. Samantalang, naniniwala si Del Pilar na mananatili ito sa Espanya. Naghiwalay sina Rizal at Del Pilar noong 1892 at nagkawatak-watak din ang mga miyembro nito na umabot sa 6 na taon ang pahayagan. Noong Nobyembre 1885, tuluyang nagwakas ang paglilimbag ng La Solidaridad dahilan sa kakulangan ng panustos dito. Naghirap sina Marina Panganiban, Lopez Jaena, at Del Pilar sa Espanya hanggang sa sila ay mamatay.