^

Para Malibang

Burol sa Japan

Pang-masa

Dahil sa nalalapit na ang undas, alam n’yo ba na napakapormal ng burol ng patay sa Japan?

“Tsuya” ang tawag dito na ang ibig sabihi’y “passing the night.”

Lahat ng nakikiramay at pumupunta sa burol ay nakasuot ng kulay itim, ang mga lalaki ay naka-itim na suit at pu­ting panloob na may itim na necktie samantalang ang mga kababaihan ay dapat nakakulay itim na bistida o kimono.

Kung ang yumao ay isang Buddhist, isang set ng prayer beads na tinatawag na juzu ang kailangang dalhin ng mga nakikiramay kasama ang abuloy na nakalagay sa espesyal na black-and-silver na sobre.

Sa pagsisimula ng ritwal, magba-bow ang Buddhist priest at magsisindi ng insenso sa urn sa altar sa harap ng yumao at magbabasa ng sutra. Habang nagbabasa ng sutra ang pari ay isa-isang magba-bow, magsisindi ng insenso, at magba-bow uli ang mga kamag-anak ng yumao. Uulitin ito ng mga kaibigan at iba pang makikiramay hanggang matapos ang lahat.

Pagkatapos magbasa ng pari ng sutra ay magba-bow ang lahat sa altar kung saan magtatapos ang ritwal.

Ang bawat uuwing nakiramay ay bibigyan ng regalo bilang pasasalamat ng pamilya ng yumao sa kanilang pakikiramay.

Ang mga malalapit na kamag-anak ay naiiwan para maglamay magdamag tulad ng ginagawa natin dito sa Pilipinas.

ACIRC

ANG

BOW

HABANG

ITIM

LAHAT

MGA

PAGKATAPOS

PILIPINAS

TSUYA

UULITIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with