KAHIT gawa lang sa kahoy, sobrang kapal at tibay naman ang mga materyales ng kulungan ni Lorenz.
Tagaktak na ang pawis ni Miley pero hindi pa rin ito sumusuko.
“My God! Dapat hindi tayo maaabutan dito ng mga kawal!”
“Miley, ano kaya huwag mo na lang akong iligtas? Baka kasi mapahamak ka pa, e! Mas importante sa akin na hindi ka masaktan!”
“No, Lorenz! Mas importante na mailigtas ka para mag-lead ka uli sa mga taong umaasa sa ‘yo. Pati nga kaming apat na hindi naman sana ninyo kasali, mas panatag din kung kasama ka namin sa pagtakas sa islang ito!”
“Don’t worry, Miley. Gagawin ko naman ang lahat para makabalik tayo sa kabihasnan.”
“I have trust in you, Lorenz. Alam kong ikaw ang pag-asa namin!”
Nakakaintindi pa rin si Blizzard kahit isa na itong ganap na aso. Nagseselos na nang husto.
Biglang kinagat ang pantalon ni Miley at hinila ito.
“Blizzard? Ano ba? Why are you doing that?”
“Aaawwwrrrr! Aaaawwwrrr!”
Nakaintindi rin si Lorenz. “Ayaw na niyang iligtas mo ako. Mukhang tama siya, Miley. Mas importante ang buhay mo kaya umalis na kayo ni Blizzard! Please!”
“Huwag mong intindihin si Blizzard. Kung minsan talaga, he can be selfish. But still I love him. Basta para sa akin, Lorenz ... aalis tayo ng islang ito na sabay-sabay. Walang maiiwan!”
Biglang bumigay ang makapal na kandado.
Napatili si Miley sa saya. Napangiti naman si Lorenz.
“There! Makakalabas ka na, Lorenz! Bumigay na ang kandado!”
“Ang galing mo talaga, Miley! You’re wise, you’re very determined!
Nayakap ni Lorenz sa tuwa si Miley paglabas nito ng kulungan.
Ang selosong si Blizzard ay wala naman sa dalawa ang atensiyon. Nasa nahating katawan ni Reyna Coreana.
May kasamang sigaw ang pagtahol ni Blizzard. “ EEEEWWWWWRRRR ... EEEWWWRRRRR...”
Hindi sanay si Miley sa ganoong pagtahol ni Blizzard kaya napatingin siya kaagad sa nobyo. Ang nakita niya ay si Reyna Coreana sa likuran ni Blizzard, ang nahating katawan ay kumikislot, gumagalaw, palapit sa isa’t isa.
Ang lakas ng tili ni Miley, kinilabutan. Itutuloy