Makakatanggap ng grasya

Panaginip: May agilang dumapo sa bintana ng aking bedroom. Nakatingin ito sa akin. Napansin kong may nakasubong gold ring sa kanyang tuka. May kumikinang na gemstone sa gold ring. Lumapit ako at sinubukang kunin ang gold ring. Parang may isip ito, ibinuka niya ang tuka na parang hinaha­yaan niyang kunin ko ang singsing. Ganoon lang. Nagising na ako. - Miss A

Interpretation: Isang mataas na pinuno ng gobyerno ang mapapadako sa inyong lugar. May matatanggap kang grasya mula sa pagbisita niyang ito.

Show comments