Dala-dala mo ba ang image ng kompanya?

Kung inaakala mo komo nagtatrabaho ka na, hindi mo na kailangang mag-ayos ng iyong sarili, nagkakamali ka rito.

Karamihan sa mga kompanya gusto nilang may iisang uniform ang kanilang mga emple­yado. Inaasahan nila ang leader o supervisor ng opisina ay siyang magiging magandang halimbawa sa iba tulad ng pagpapakita ng mo­dest at professional na appearance.

Sa survey, ang mga empleyadong provocative, unprofessional, pasosyal, masyadong traditional o sumobra naman sa hinihi­nging dress code ng opisina ay madalas hindi nakakapasa sa interview pa lang.  Kasi ang physical na anyo na sobra sa pangkaraniwang pagbibihis ay nakaka-distract din sa paningin. Maging ang haircut o gupit ng buhok,  paghihikaw ng mga lalaki sa opisina, pagpapakita ng tattoo, masangsang o malakas na pabango ay nakakatawag din ng negatibong pansin.

Kung ang kompanya mo ay may magandang ­image at ikaw bilang representative ng opisina gusto nilang mag-reflect sa iyo ang organization hindi ng iyong individual style. Puwera na lang kung ikaw ay sa hair salon o tattoo shop nagtatrabaho o ‘di kaya ikaw ay model ng isang kompanya. Karamihan gusto ng kompanya na lahat ng kanilang empleyado ay may dating na professional image at hindi ang pagiging konserbatibo mo.

Show comments