Kakakain pa lang, pero Gutom ulit?

Kung katatapos pa lang kumain at nakakaramdam ka pa rin ng pagkagutom, ipinapayo ng mga eksperto na uminom ka lang tubig at maaaring dehydrated ka lamang.

May top 5 fonts na matipid sa tinta kapag nag-print: Pinakamatipid ay Century Gothic, sinundan ng Times New Roman, ikatlo ay Calibri, Verdani, at Arial.

Gumawa ng mumurahing exfoliating scrub para sa paa. Painitin ang olive oil nang bahagya sa kawali. Yung init na puwedeng hawakan. Ihalo ang brown sugar. Ito ang ipahid sa paa talampakan at ibabaw ng paa. Tatanggalin nito ang dead skin na nagiging sanhi ng magaspang na balat. Sa legs lang maaaring gamitin pero huwag sa mukha.

Kapag nagbibiyahe, magbaon ng ekstrang piraso ng mabangong sabong pampaligo. Ito ang ilalagay mo sa maruruming damit para hindi nakaka-turn-off ang amoy kapag binuksan mo ang maleta pag-uwi sa bahay.

Kung nagpapakuha ng litrato, bahagyang isingkit ang mata kapag ngingiti upang magmukhang genuine ang dating ng ngiti.

Show comments