Ang aklat ni Gregorio Sanciano na “Ang Pag-unlad ng Pilipinas” ay isa sa naging inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng laban sa mga Kastila. Sa pagkalimbag nito noong 1881, ipinakita niya ang hindi pantay-pantay na pagpapatupad ng batas ng pamahalaang Kastila. Hindi lamang Pilipino ang dapat magbayad ng buwis o gumawa ng sapilitan, kundi maging ang mga Kastila man. Ipinagtanggol ni Sanciano ang mga paratang na tamad ang mga Pilipino. Ang pagmamalabis ng mga Kastila na pagkamkam sa mga kita at ani kaya nawalan ng ganang magtrabaho ang mga kababayan nating Pilipino.