Ano ang signs na ikaw ay dumaranas ng depresyon?
Ang depression ay isang karamdaman sa isipan, naapektuhan hindi lang ang katawan kundi maging ang kalooban. Isa sa sign nito ay kung ikaw ay hirap makatulog. Karaniwan na sa depress na tao ay hirap o sobra kung matulog.
Huwag din ipangwalang bahala ang pananakit ng dibdib, hindi lang ito sign ng ikaw ay may sakit sa puso, baga, tiyan. Pero maaari rin itong sintomas na ikaw ay depress. Ang madalas na inaatake sa puso ay resulta rin na ang indibiduwal ay nakararanas ng sobrang depresyon.
Maging ang nararamdaman mong pagod ay pagpapakita na ikaw ay depress, kahit mahaba naman ang tulog, pero pakiramdam mo pa rin ikaw ay napapagod sa walan namang kadahilanan.
Nangangalay ba ang leeg mo o masakit ang iyong ulo, batok, at likod? Ang depression ay lumalabas sa nararamdaman mong sakit. Ang depression at pain kasi ay dalawang chemical na sinasabi ng iyong utak na iyong nararamdaman sa iyong kasukasuan. Tatlong beses ang sakit ng katawan, muscles, o kasukasuan na nararamdaman ng taong depress at limang beses naman ikaw kung makaranas ng migraine.
Exercise ang isa sa mabisang panglunas ng depression, kumain ng masustansiyang pagkain, magbawas ng stress, at kakailanganin mo ang social o group support na aalalay sa iyo. Higit sa lahat manalangin at ibigay ang mga nagpapabigat sa iyong kalooban.
- Latest