1-Sinungaling at manloloko ang taong nananatiling nakasara ang kamao habang ito’y nakalaylay sa gilid ng kanyang katawan.
2-Ngunit kung ilang daliri lang ang tila laging nakasara at hindi ang buong kamao, siya’y maingat at mapagkakatiwalaan.
3-Kung mahigpit ang pagkakasara ng kamao habang nakalaylay ang mga ito, siya’y mahilig makipagbasag-ulo.
4-Ang taong hindi mapakali ang kamay-itataas, maya-maya ay ibababa; o ‘di kaya ay labas-masok sa bulsa - ay may strong character pero kailangang gabayan dahil wala siyang kontrol sa kanyang emosyon.
5-Ugali mo bang hipuin ang kamay o braso ng iyong kausap habang nagsasalita ka? Kung ganoon, ikaw ay mapaghinala sa kapwa.
6-Ang taong walang tigil sa kalalaro ng isang bagay sa kanyang kamay ay excited sa isang bagay.
7-Mahinahon ang taong mahilig pagdaupin ang kanyang mga palad sa kanyang harapan.
8-Hindi tapat makisama ang taong mahilig magkiskis ng palad na parang naghuhugas ng kamay.
9-Ang taong pinagdadaop ang palad sa kanyang likuran ay sobrang ingat kaya’t nahihirapang bumuo ng isang desisyon.