Morning sex panlaban sa heart attack

Maaaring hindi mo ikokonsidera ang morning sex. Masyadong maaga nga naman para sa ganitong gawain. Isa pa, medyo nakakailang kasi nga, hindi ka komportable sa itsura mong bagong gising at bad breath pa.

Pero bakit hindi mo ikonsidera ang morning sex. Sinasabing maraming health benefits ito ay garantisadong magiging maganda ang simula ng araw mo.

Narito ang mga dahilan kung bakit mas mainam ang morning sex. 

Recharge – Dahil pareho kayong kagaling sa tulog, naka-recharge ang mga baterya ninyo. Mas madami kayong energy para sa sex. Hindi kayo pagod ‘di tulad sa gabi na galing sa trabaho.

Morning erection  – Kapag umaga, karaniwang may morning erection ang mga lalaki at sinasabing mas ‘tumatagal’ ang mga lalaki sa umaga.

Blooming – Blooming daw ang mga babae after sex kaya hindi na kailangang mag-make-up pagpasok sa trabaho. Ito ay dahil sa estrogen na dahilan para maging malambot ang balat at maganda kaya kakaiba ang aura ng mga babae.

Ang sex ay nakatutulong sa immune system at binabalanse nito ang hormones. Ang sex ay panlaban din sa heart attacks at chronic pain.

Gaganahan ka rin kumain – pagkatapos gumamit ng enegy sa morning sex, siguradong magugutom ka.

Sigurado ring maganda ang simula ng araw mo – dahil sa mga endorphines, maganda ang iyong mood buong araw dahil sa mga na-release na serotonin at dopamine. Hindi rin agad iinit ang ulo mo.

Makatutulong din ang morning sex sa inyong relasyon dahil hindi na kayo lagi mag-aaway dahil sa positive vibes na dulot ng morning sex. Hindi ka basta-basta mai-stress.

Iba rin ang sex sa umaga dahil ang inyong liwanag ay ang morning sunshine na nagdudulot ng magandang pakiramdam.

Kahit tipong magi­ging quickie ang dating ng morning sex dahil kailangang pumasok sa trabaho, hindi ito magi­ging issue.

Kahit may negatibong mangyayari sa araw mo, matatabunan ito ng iyong morning sexcapade.

Mas magiging close kayo ng partner mo dahil sa sex na walang toothbrush-toothbrush at kahit pareho pa kayong pangit at ‘di pa naliligo. Magi­ging komportable kayo sa isa’t isa.

Show comments