^

Para Malibang

Tinakbuhan ng BF

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po 25 years old at dalaga pa na nakikitira sa tita ko. May naging ka-textmate ako. Isang linggo kaming nag-text bago kami nag-eyeball. Nagkita kami minsan at dito siya nagtapat sa akin na gusto niya ako. Nag-meet kami uli at sinagot ko na siya. Tuwing Linggo ay nagkikita kami. Hanggang madalas na kami magpunta sa motel at nabuntis nga ako. Iyan po ang problema ko ngayon. Nang malaman ito ng bf ko, hindi na siya nagpakita at ayaw nang sumagot sa text ko. Malapit nang isang buwan ang tiyan ko. Natatakot ako na baka palayasin ako ng tita ko kapag nalaman ang kalagayan ko. Ano ang gagawin ko? - Jane

Dear Jane,

Magtapat ka sa iyong tita. Tao ka lang naman na nagkasala at marahil ay mauunawaan ka niya. Wala kang ibang magagawa dahil nagkasala ka at aanihin mo ngayon ang bunga ng iyong pagkakamali. Huwag mo na ring asahan na magpapakita pa sa ‘yo ang ka-text mo dahil halatang tinatakbuhan niya ang pananagutan niya sa ‘yo. Sana’y magsilbing aral sa iyo ang karanasan mo. Huwag basta-basta ipagkakatiwala ang sarili kung kani-kanino.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

ANG

ANO

DEAR JANE

DEAR VANEZZA

HANGGANG

HUWAG

ISANG

IYAN

STRONG

TUWING LINGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with