Ano ang body language n’yo ng aso mo?

Ang body language ng indibiduwal ay lengguwahe hindi lang ng tao, kundi may mensahe rin itong itinuturo sa iyong alagang hayop partikular na ang aso. Ang paglalakad kasama ng iyong alagang aso ay isang mahalagang pagtuturo ng leadership at connection sa pagitan ng hayop at amo nito.

Balikat – Kapag kasama mo ang iyong alagang aso at inihilig mong pababa ang iyong balikat sa iyong harapan na sinasabi mo sa iyong alaga na “ikaw ang in charge” ngayon. Sa lenggwahe ng mga aso ang pagiging leader nila ang pinakamataas na posisyong nagpapasaya rin sa kanila. Tulad ng tao, nakararamdam din ng confidence at power ang aso.

Tuhod – Ang mga tuhod mo ay dapat naka-relax, at kung nakatayo ito ay dapat magkahiwalay. Kapag magkadikit ang iyong tuhod, ang mucles din ay naninigas. Ganito rin ang reaksiyon ng taong takot, nagdidikit din ang kanyang tuhod. Ang pagtigas ng muscle ay nagsasabi ng unbalance energy na iba ang dating sa aso. Maaari itong nagbibigay ka ng signal na naghahamon o “challenge” posture na madaling umatake ang aso sa kanyang depensang posisyon laban sa iyo.

Kamay sa harapan o likod – Kapag naglalakad kayo ng iyong aso na may tali, ilagay mo ang iyong kamay sa magkabilang gilid. Sa ganitong paraan hindi  kayo maghahatakan ng direksiyon sa daanan ng iyong aso.  Pareho ring mare-relax ang paglalakad ninyong mag-amo. Kapag ang kamay mo ay nasa likod, generally nagsasabi ito ng low esteem, nerbyos, insecure, o defensive. Nararamdaman din ito ng iyong alagang aso.

Legs apart – Ito rin ay neutral pose dahil naba-balance mo ang iyong bigat sa dalawa mong binti. Pero kapag inilagay mo ang bigat ng iyong katawan sa iisang binti lang nagsasabi ka ng hindi maliwanag na mensahe sa aso. Pero kapag nakatayo sa iyong parehong binti nagsi-signal ka ng strength at confidence sa iyong alagang hayop. Sinasabi mo ring ikaw ang may control sa iyong aso.

Ulo – Ang posisyon ng ulo ay mahalagang body language. Flexible kasi ang ulo dahil sa ating neck structure na puwedeng ibaling sa kaliwa o kanan;  paharap, pata-likod, lumingon, tumingin sa itaas o pababa. Ang lahat ng nasabing movements ay nagbibigay ng signal na madaling maintindihan. Pero ang pinakamabisang posisyon para makuha ang atensiyon ng iyong aso habang ikaw ay  nagtuturo, ang ulo mo ay dapat naka-high head position o naka-angat na karaniwang nagpapahiwatig na  ikaw ay seryosong nakikinig o nag-aabang sa iyong alagang aso. 

(sources: .(ref.http://www.businessballs.com/body-language.htm#body-language-signals-translation)

Show comments